AUG 3,2002
Nung grade 6 ako kinuha ako ng ante ko para siya
nman yung magpapaaral sa akin at iniwan ko yung lola ko sa side ng ate ko para saya nman magalaga sa kanya.masaya ako sa ante ko kasi nakakasama ko mga pinsan ko na naglalaro.kasama sa mga outing nila.pero hindi lahat yun libre,sympre tumutulong ako sa mga gawain bahay para masuklian yung kabutihan nila sa akin.ilang linggo na ako hindi nakakadalaw sa lola ko.cgro dahil tinatamad ako dahil sa dahilan ko na yun un ang pagsisisihan ko habang buhay.isang gabi pumunta yung ate ko sa bahay ng ante ko ginising niya ako at sinabing patay na yung lola namin,nashock talaga ako nun. tulala ako nun hanggang sa bahay ng ate ko.hnidi ko alam kung anu ang gagawin ko.nakatitig ako sa lola ko habang inaalala ang nakaraan magkasama kaming dalawa.nagsisi talaga ako nun,iniisip ko kung hindi sana ako umalis sana kasama ko siya hanggang sa huli ng buhay niya.namatay yung taong nagchagang magalaga sa akin. . . (aug 3,2002 date of death araw na pagsisisihan ko habang buhay)

